Played 0 Times
Kung ika’y may reklamo
Sa ating mga batas
Na hindi makatao
At ang turing di patas
Huwag kang mag-atubili
Na sumulat sa Congress
Tiyakin mo lang hane
Na tama ang iyong address
Ang address ng Kongreso
Ay hindi sa Batasan
Kung gusto nyong diretso
Ang inyong mga liham
To Our Brilliant Lawmakers
Corporation ng Angkan
c/o Chamber of Commerce
Makati, Philippines 2000
Kung iba’ng ginagawa
At iba’ng sinasabi
Ni Commissioner Ngawa
At ni Praise Secretary
Kaagad ipaalam
Sa ating Presidente
Basta kumpletuhin lang
Ang isulat sa sobre
Ang address ng Pangulo
Ay hindi MalacaƱang
Kung gusto niyong diretso
Ang inyong mga liham
To The Leader of the Land
c/o IMF-World Bank
U.N. corner Nagtahan
Manila, Philippines 2000
Kung mayaman na tao
At kilalang kriminal
Ay ginagawang santo
Tinuturing na banal
Sa korte sumulat ka
Ngunit konting ingat lang
Baka mauna ka pa
Kaysa doon sa iyong liham
Ang address ng Husgado
Pareho lang sa Simbahan
Kung gusto nyong diretso
Ang inyong mga liham
To The Holy Trinity
Praise Da Lord, Thy Will Be Done
Camp Crame, Quezon City
Zip code Philippines 2000
Bago tayo magwakas
May extrang public service
Sila na’ng nagbubukas
Ng sulat sa post office
Ugaliing mag-zipcode
Singbilis ng time machine
Pebrero nang ihulog
Enero nang dumating
Ito ay katuwaan lang
Katuwaang totoo
Kung iniisip nyo pang
Lumiham sa gobyerno
Basta’t ang mahalaga’y
Huwag tularan si Isko
Habang nasusunog ang bahay
Sumulat sa bombero